5.28.2005

Isa Pa Ulit, Ate!

I have a million and one journals. Online and paper. Bakit kaya? Marami lang siguro talaga kong gustong sabihin. Isa pa, hinahanap ko parin kasi boses ko eh. Hindi pa ko sigurado kung saan nanggagaling ang boses ko. Sa akin ba o sa mga nakapaligid sakin.

So until I find my voice, I'll keep shouting, talking, whispering... Hopefully mahanap ko na bago ko permanently mapaos.

It's hard going through life constantly analyzing if your voice is an echo of the various sounds around you. Tulad minsan na lang pag nanonood ako ng mga reality shows... Oo, reality show junkie ako! Minsan, iniisip ko, is the reason I'm rooting for a specific person to win eh dahil yun ang gusto ng mga kasama ko? O dahil gusto ko lang talaga yung "manok" ko?

In The Contender, I really wanted Jessie Brinkley to win. When he lost to Sergio, sige na nga... si Peter na lang. Nyek. Talo rin. Sa American Idol, gusto ko si Bo. Pfft. We all know what happened. WHO INVENTED COUNTRY MUSIC???? Nyeta. Sa Amazing Race, I wanted Rob and Amber to win. Of course, talo sila... gusto ko sila manalo eh? O diba?

Teka lang... di kaya mabasa nila to and lahat sila magpuntahan dito at batukan ako? Photo op! Hahahaha! Malamang lang ma-ICU ako pero worth it diba? Pangscrapbook na rin for the future perusal of my progeny. Naks lalim.

I can just see it... my grandchildren, gathered around my memoirs, talking amongst themselves... "Astig ni Lola! Nabatukan ni Amber!"

Ay na-off tangent na naman ako. Haaay, I tend to do that a lot these days. Hirap. Palibhasa kasi laging kulang sa tulog. Slave to the Almighty Call Center God kasi eh. F*cked up talaga yung sleeping habits mo. I'm awake when the whole world is asleep and asleep when the whole world is making a whole lotta noise. Talo.

My social life is non-existent. My lovelife is extinct. Puro headset at unan na lang ang kilala ko ngayon. My writing even took a backseat to work. I used to be able to fire up the ol' computer and just write my ass off. Ngayon, wala. Wala nang laman ang utak ko. Puro call resolutions, documentation, verification... lintik.

Eto kayang bagong blog ko? Kelan kaya to mag-e-expire from neglect?

No comments:

Post a Comment