12.16.2007

A Fontastic Love Story (in Tagalog and Vheklanese)

Eto ang paborito kong font. VERDANA! Kung pwede lang pakasalan ang font, matagal ko nang pinasukatan ng traje de boda 'to. Yung maraming lace tsaka sekwins. Disco fever bride ang dating davah? Bagay naman eh.

VERDANA... sounds girlaloo talaga 'no? Pero, tabla na yan. Kiber nang girlaloo din akengkay. Laman tiyan din kung baga. Kasi ang VERDANA masarap pakinggan. Masarap din sambit-sambitin. Alam mo na kung kelan. (Tuwing jerjer... shunga.)

Eh pag COURIER. Sige, isipin mo nga! "Ooohh... Ahhh... COURIER..." Amfutah! Di ba nakakalurking pakinggan?

Try naman natin ang TIMES NEW ROMAN. Naknam. Bago mo pa matapos sabihin, nagyoyosi na siya. Masyadong mahaba diba? Eh pag naman pinaiklian mo... ang labas TIMES. Para ka namang nagbebenta ng dyaryo nun. Imbey.

Yung ARIAL naman sounds like Ariel. Pwede na ngunit, subalit, pantalong mong punit, kelan mo pa nasabi ang pangalang Ariel na hindi mo naiisip si Ariel Ureta? O kaya yung mermaid ng Disney? Mahalay di ba? Kung hindi necrophilia (sa mga ignorante, ito ang tawag sa aktong pakikipagtalik sa patay... diba patay na si ariel ureta? Patay na nga ba? Wit pa ata eh... hala...) ang bagsak mo, eh fish-love naman. Malansa!!

Wala nang tatalo pa sa VERDANA. Ika nga eh... "just right..."

Yan ang VERDANA ko. Erotic. Sexy. San ka pa?

Oo nga pala, kung nagbabalak kang agawin sakin ang VERDANA ko, umayos ka. Matagal na kami nyan. Forever love kung forever love and labanang itu. Till death do us part. Hanap ka ng ibang font para sayo. Balita ko, si HELVETICA, naghahanap ng dyowaers. Bagay kayo. Gusto mo ng nyelpon number nya?

Ito ay orihinal na kathang isip ni Rita Celeste Espiritu. Kung balak mong angkinin, at akuing iyo, tubuan sana ng pigsa ang lahat ng tighyawat mo. Sa singit. Hmpft.

No comments:

Post a Comment