12.19.2007

Vheklanese uhlet. Kasi kilig akengkay.

Amfotah! Kinikilig akengkibelles! Umandar na naman ang pagkahaliparot potpot ko kaya ayan, may date-date-an akez bukas!

In fuhrnezz, mashogal shogal na rin akong wit nagmamalandi kaya parang pinagsanib na lakas ng taal at pinatubo ang pagsabog ng kakikayan kez kanina. Flirt kung flirt ang labanan! Walang atrasan na itu!

Kaimbey lang nga kasi dinner detdetan ang dramarama namin. Pormal wer. Pakshet. Sabi ko pisbol na lang eh kaso wirit feeling nung wafung mama na magpaka-skwaterrific effect kami. Ayan tuloy... mapipilitan akez magpaka-girlaloo. Hmpft. Kakati na naman ang buong katawan ko kasi kelangan maging pirmi and pahinhin jepeks. Ngar.

Kundi lang talaga alang-alang sa pag-iwas sa isang kapaskuhang malamig haaay... kasi naman eh. Kaya heto, magpapaka-kepay muna kez. Kunjari gelay. Kunjari may class. Wahahahaha. Taena wala lang muk-ap muk-ap ha? Pag may kasaling muk-ap, ayawan na. Lonli harts kung lonli harts. Wirit ko feel mag-muk-ap!

No comments:

Post a Comment